Efren abueg short biography ni
Iyon ang unang mga aklat kong pampanitikan. Ngayon, ay nakapaglista na ako ng 1, libro sa aking koleksiyon at may pa siguro akong hindi pa naiimbentaryo. Binasa ko lamang ng isang gabi ang "Ako'y Isang Tinig" ni Edroza. Naging sensitibo ako sa matimpi, matipid at pakubling pagpapahayag niya ng damdamin. Natangay ako ng mga tahimik na drama sa kanyang mga kuwento -- hindi ko halos naririnig, hindi ko halos nakikita o kaya'y hindi ko naiintindihan ang kanyang mga tauhan.
Ngunit ewan ko kung bakit matitinding hampas na lumalatay sa aking kamalayan ang impresyong naiiwan ng mga kuwento, tulad ng isang makapangyarihang lakas na nagbubukas sa akin ng isang maluwang, malawak, na larangan ng buhay. Inamin ko noon sa aking sarili na hindi ko lubos na naiintindihan ang mga kuwento ni Edroza. Ngunit nag-iiwan sa akin ang mga iyon ng iba't ibang larawan, ng iba't ibang pandama, ng kung anu-anong isipin na hindi ko naman ganap na maipaliwanag.
Inulit ko ang pagbasa ng kanyang mga kuwento. Inulit ko nang inulit. Daraan pa ang ilang taon bago ko siya makatatagpo nang personal. Kung saan, hindi ko na matandaan. Siya pala'y asawa na ni Epifanio Gar. Matute, isang kilala ring manunulat at scriptwriter ng "Kuwentong Kutsero" ng yumaong Narciso Pimentel, tanyag na programang satiriko sa radyo na bumabatikos sa mga kalabisan at kabuktutan sa gobyerno.
Isa rin pala siyang pangunahing propesor sa Philippine Normal College, at isang matatag na tagataguyod ng wikang Pilipino gayong nang tapusin niya ang kursog Ph. Muling sumariwa sa isip ko ang impluwensiya ni Aling Bebang. Nguit hindi na ako nagkasyang tanggapin lamang ang impluwensiyang iyon. Ibig kong matiyak kung gaano ang naging bisa niya sa aking pagsulat.
Noon ako nagsimulang mag- clippings ng mga akdang natipon ko sa loob ng sampung taon. Binalikan ko ang "Ako'y Isang Tinig". Namangha ako sapagkat ang antolohiyang iyon ng kanyang maikling katha ay parang isang ebolusyon. Sabi nga ni Ghiselin:. The creative process is the process of change, of development, of evolution, in the organization of subjective life.
The Creative Process: May tatlong hati ang maiikling katha sa "Ako'y Isang Tinig". Nilagyan ng pamagat na "Dapit-Umaga" ang pitong katha sa unang. Ang ikalawang hati na mayroon ding pitong katha ay pinamagatang "Sa Bawat Pag-asa". At ang pangatlong hati naman na may nakapaloob na walong maiikling katha ay inuluhan ng "Pagkaunawa". Napuna ko sa unang hati na ang mga katha ni Edroza ay pawang pagkilala sa mga kaligayahan at kapighatian ng buhay; ang ikalawang hati ay tungkol sa pakikipagtunggali at pagkagapi; at ang ikatlong hati ay isa namang kalipunan ng pagkaunawa sa mga trahedya ng buhay, gayundin ang paggawa ng nga paraan upang maging kasiya-siya ang eksistensiya ng buhay sa mundong ito.
Ang kaayusan ng "Ako'y Isang Tinig" ay kaasyusan ng mga larawan ng buhay mula sa kawalang-malay hanggang sa ganap na pagkaunawa. Ang kaayusang iyon ay ipinalagay na tatak ng disiplina sa sining ni Edroza. Sa kuwentong "Kapatid" naipakita ni Edroza ang kanyang disiplina sa sining. Ang kapatid , na anak sa labas ng kanilang tahanan ng kanyang ama, sa simula ay nakikita lamang sa guniguni ng pangunahing tauhan ng katha.
Ngunit habang kumakalat ang usapan tungkol sa maglalabindalawang taong kapatid niya ay lumilinaw ang larawang iyon sa guniguni. Kasunod ng paglinaw ng larawang iyon sa guniguni ng pangunahing tauhan ang pagsibol ng poot niya sa kanyang kapatid sa labas. Kasunod naman ng poot niyang iyon ang pagsupling ng matinding hinanakit niya sa ama. Isa-isa, maingat na pinagpatung-patong ni Edroza ang mga pangyayari sa katha, isang abstraktong pagsulong ng kaganapan sa kuwento, hanggang sa karurukan ay magkasakit ang ama ng pangunahing tauhan at ang pagkarinig o pagkaguniguni ng papalapit.
Nang yumao ang kanyang ama, ang mga papalapit na yabag ay nagkaroon ng anyo--nasa harapan niya at dumalaw sa kanyang ama ang labindalawang taong gulang na bata. At sa pagmalas niya sa anyong iyon ay natunghayan niya ang pagkakasala ng kanyang ama, ang kapiranggot na kaligayahan nitong nalasap sa piling ng ina ng kanyang kapatid at ang pagsisisi nito dahil sa mga lamig na pumagitan sa kanilang mag-ama.
Walang luhang pumatak o pusong nagdugo sa pagsapit ng pagkaunawa ng pangunahing tauhan. Nakaramdam lamang siya ng init ng agos ng dugo ng kanyang ama sa kanyang mga ugat, init na dapat nilang pagsaluhan ng kanyang kapatid sa labas. Hinangaan ko ang kaayusang iyon sa sining ni Edroza. Muli kong nilasap ang matipid niyang pagsisiwalat ng damdaming naging sasakyan ng mga pangyayari sa kuwento.
Halos hindi ko namalayan ang ebolusyon at pagsulong ng mga insidente, ng mga nagtutunggaling damdamin, ng mga kaisipang nagpapahiwatig ng mga bagong pagkaunawa at pananaw. At sa clippings ko natagpuang ako nga'y naging isang masikap na estudyante sa pagkatha ni Genoveva Edroza nang lingid sa kanyang kaalaman. Sa aking kuwentong "Unang Pagdalaw" na nalathala noong Nobyembre 25, sa panlingguhang magasin ng arawang dyaryong "Bagong Buhay" ay tinangka kong pantayan ang pagsisiwalat ng damdamin ni Edroza.
Ganito ang isinulat ko:. Hindi pa naman nagtatagal nang huli kaming magkita. Ngunit sa palagay ko ba'y marami nang taon ang nakalipas at marami nang. Ngayong tahimik na ako at hindi pa nasusundan ang unang pagdalaw niya sa aking buhay ay kung bakit masidhi pa rin ang pagnanais kong siya ay makita. Marahil ay nais kong malaman kung siya ay maligaya, kung siya ay nakatagpo ng isang lalaking hindi magiging katulad ko kailanman.
Damhin ang damdaming namamaibabaw sa mga linyang ito ng "Kuwento ni Mabuti" ni Genoveva Edroza:. Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa luma at walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya Lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man may kagandahan: sa isang tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya.
Hindi lamang ang himig ng pagsasalaysay ni Edroza ang aking naging huwaran. Pati ang kanyang mga katha'y naging sangkot din sa kuwento kong "Unang Pagdalaw":. Isinalaysay ko". Ang una naming matagal na pag-uusap ay sinimulan niya sa aking paboritong aklat--ni Edroza.
Efren abueg short biography ni
Nabasa ko raw ba ang "Mga Kalansay"? He was one of the resident writers at the Bienvenido N. Santos Creative Writing Center. He was the editor of Tulay na Buhangin at iba pang mga akda. Abueg was a language and literature professor. From to , Abueg taught at the Manuel L. It is not an exaggeration. There was, however, the essay writing in Filipino.
At that time, I really had no clue. I think I was the only one in the entire batch excited to hold that textbook. I looked at the byline and saw the name: Efren R. With my introduction to Abueg, a new world opened. I read their works and soon, I found myself reading B. As editor [ edit ]. As professor [ edit ]. As head of organizations [ edit ].
Awards [ edit ]. Novel writing [ edit ]. Short story writing [ edit ]. Essay writing [ edit ]. Textbook writing [ edit ]. Other awards [ edit ]. Works by Abueg [ edit ]. Poems [ edit ]. Short stories [ edit ].